BETA

BENEFITS

Pagtamasahan ang maraming benepisyo ng Muntinlupa Care Card na nagbibigay sa iyo ng:

 

  • Libreng sakay sa E-JRF (Electronic Jeepney Ride for Free)
  • Libreng insurance, sa mga edad 18 hanggang 65*
    • Pagkamatay o pagkalumpo DAHIL SA AKSIDENTE- P10,000.00
    • AKSIDENTE dahil sa pagmo-motorsiklo- P10,000.00
    • Permanenteng pagkakalumpo- P10,000.00
    • Tulong pinansiyal para panglibing sa namatay DAHIL SA AKSIDENTE- P1,000.00

 

Ang Muntinlupa Care Card ay nagbibigay rin ng garantisadong access upang magamit ang mga sumusonod na benepisyo:

 

  • 25% hanggang 75%* subsidy sa Ospital ng Muntinlupa. Ang porsyento ng subsidy ay depende sa income bracket ng card holder.
  • Access sa mga Scholarship Program (dapat ay maipasa ang mga qualifications at requirements)
  • Tulong pinansiyal para sa namatayan, bulaklak para sa patay, paggamit ng upuan, lamesa at tent (kailangang mag-request sa CADO at ipakita ang Muntinlupa Care Card)
  • Access sa Livelihood Projects at Job Recruitment ng PESO
  • Access sa programang Kalingang Munti sa mga barangay na nagbibigay ng ibat-ibang libreng serbisyo tulad ng
    • libreng bakuna para sa inyong mga aso
    • libreng masahe
    • libreng gupit
    • libreng foot spa
    • tulong para sa registration sa government services tulad ng Birth Certificate
    • libreng dental services
    • libreng salamin sa mata
    • libreng tuli at marami pang iba!

 

 

 

Reach us through our official email address

INFO@YANANGMUNTINLUPA.COM

 

Read our Privacy and Confidentiality